ina

dinala ka ng siyam na buwan 
hinarap ang hamon ng panganganak 
kahit natatakot at nagisa 
dahil si ama nasa ibang bansa 
kumakayod para sa kinabuksan 
pinalaki katulong si inang at amang. 


ako'y may hinanakit at maraming tanong noon 
bakit ako pinapalo at laging galit sa akin si INA 
kung kaya lumaki Malayo loob. 

siguro ganoon lang pagdidisplina ni INA dahil sa kakulitan. 
o dahil dalawa tauhan ang ginagampanan si ina ay si ama din 

sapagkat minsan sa isang taon o siyam na buwan bago umuwi si ama sa pilipinas 


lumaki sa piling ni inang at amang. 
ayaw na lumisan sa kanilang piling 
ramdam ang pagmamahal 
ngunit sa hindi inaasahan 
nagkasakit. nahospital 
napauwi sa bahay 



madilim . malungkot. galit ang nararamdam 
umaasa panaginip na lang ito 
dumaan ang panahon 
at ang edad ay nadagdagan na din 

unti unti naghihilom ang pagdamdam sa iyo INA 
nasagot na din ang mga tanong. 
mahal na mahal pala kita 



sana naging expressive ka lang po at pinakita sa akin 
mahal mo pala ko 
a raw araw ko kayo naiisip ni bun so 

lagi ninyo aalagaan ang iyong sarili 
ibbigay ang bagay na gugustohin ninyo 

Mga Komento

Kilalang Mga Post