Baliw

Hiyaw! Sigaw ! Alingawgaw! 
Labas pasok  sa tenga
Kinamultan gusto na iligaw
 
Mumuting isip pinipilit unawain
Mga bagay na tila pinaglalaruan
Saklolo ang isinisigaw.
 
Balik-tarin kaya kasuotan
Napaglalaruan ang tadhana
O Diyos ko? Liwanangin ng daan
 
 
Boses na galit! Saloobin tinago.
Ka’y tagal ngayon lumalabas.
Dala-dala sama ng loob
Ako’y karkado ng galit.
 
 
Sa iba napagtutunan inilalabas.
Namumula ang mata.
 
Kailan kaya hihinto?
Naririnig ba tinig?
Sana intindihin man lang
Kahit minsan.
 
Sino ang baliw?
Boses na  bumubulong
Balisang –Balisa
Hindi matigil na boses
Humiiyaw! Nagwawala
 
Nangitngit ang ngipin
Naglilisik ang Mata.
Nagbubuga mga salita
Nakakamatay kung ikaw tamaan.
 
 
Iba’t ibang kuro-kuro
Naglalaro sa isip
Hindi kinaya mapait na buhay.
 
 
Paulit-ulit na salita
Tanong ng tanong
Walang kawaaan
 
 
Nangingi ang laman
Humihiyaw hindi mapaawat
Hawak hawak ang  Pingan
Hinagis ng walang kawawaan.
 
 
Kung nakita ang kaaway
Titiyakin ipapahiya
Minsan hindi sinasadya
Pati mga anak ko nadadamay.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mga Komento

Kilalang Mga Post